Pamahiin Sa Burol

Masama ang magwalis nang bahay habang hindi pa naililibing ang patay.

Kapag nagliligpit ng mga plato bawal itong pagpatung-patungin dahil baka magkakasunod-sunod ang mamamatay.

Bawal maligo at mag suklay ang pamilya ng namatay sa burol. Pwede din naman na makaligo sa ibang bahay ang mga myembro ng pamilya basta huwag lang kanilang mismong bahay.

Dapat merong sariling upuan ang iniwang asawa ng namatay at bawal ito upuan ng iba, ang paniniwala ng matatanda kapag umupo ang isang taong may asawa sa upuan ng balo hindi magtatagal mamamatay din ang asawa niya.

Huwag mag-uwi ng pagkain galing sa hinanda sa namatayn dahil maiuuwi daw ang malas galing sa patay.

Kung buntis bawal dumungaw sa patay dahil mahihirapan daw itong manganak at pwedeng mamatay din ang bata habang nasa sinapupunan.

Iwasang matuluan ng luha ang salamin ng kabaong ng namatay, mahihirapan daw umakyat sa pangalawang buhay ang espirito ng patay.

Bawal matulog ang lahat sa pinaglalamayan. Dapat laging merong gising na nakabantay dahil baka kukunin ng aswang ang patay kung walang may nagbabantay.

Ang barya na abuloy para patay ay bawal ibuhos mula sa lalagyan at bawal din mag-ingay sa pinaglagyan.

Sa unang abuloy ng patay kailangan ipaypay sa pinto ang pera ng tatlong beses para marami pa ang tutulong o magbigay ng abuloy

Takipan ng tela ang salamin ng bahay na namatay habang dito nakaburol para hindi magpakita ang namatay.      

Bawal magpasalamat ang pamilya na namatayan sa mga bisita o sa mga nagbibigay ng abuloy.

Comments and Feedback

Make A Comment

or

#36: Guest #610 (Celine) - at 14:46 on 21 Aug 2017


Ako ginagawa ko lang to sa project ko sa AP

#35: Guest #608 (HSDFSDF) - at 09:22 on 06 Aug 2017


N
A
K
A
K
A
T
A
K
O
T

#34: Guest #585 (SamahanNgMgaTagapagtaguyodNgWikangFIlipino) - at 06:16 on 17 Jun 2017


Hindi masama ang paniniwala sa mga pamahiin. Nagsisilbi itong gabay sa ating pang araw araw na pamumuhay at isa ito sa mga kultura at alituntunin na pamana sa atin ng mga nakalipas na henerasyon. Ito rin ang nagiging daan upang mas makilala natin ang uri ng pamumuhay mayroon ang mga nakatatanda noon. Malaking katulungan din ito upang mas mabigyang pansin natin ang mga nakagawian ng mga alituntunin na unti unti nang naglalaho dahil sa modernisasyon. Bilang isang Pilipino marapat na lahat tayo ay makiisa sa pagpapayabong at pagpapatatag ng mga ganitong pamahiin

#33: Guest #583 (Ellamae Taduran) - at 08:54 on 12 Jun 2017


Omg!! Totoo bato cge na nga papaniwalaan ko nalang support nalang guyz sa pamahiin malay natin totoo ito bala kayo basta ako maniniwala

#32: Guest #569 (Andrea Bella) - at 05:25 on 24 May 2017


Medyo Creep nakakatakot!

5 more recent comments
5 older comments



Here are more sites by the same creators:

©Copyright. All Rights Reserved. This is a Free World Creations.com creation. Other Free World Creations:

Chinese Whispers Bantayan-Island-Philippines Community and Tourist Attractions Guide Homing Books Guimaras Island Philippines: Community Forum and Tourist Attractions Guide Shirven Hotel Guimaras Philippines Toplis: Artist of Sark Keith Warren Books Filipino Cook Book - Recipes Free Yahtzee Score Sheets Yahtzee Rules for painted, Triple and Alternatives White Alien Sungka Games Manila Statues Churches in the Philippines ArPhilModels Himalayan Treks Pamahiin ng Pilipino Filipino Superstitions Gagayuma.com Filipino Love Spells and Magick Mangkukulam.com Filipino Folklore and Mythology Dog Clothes Shop, Manila Boracay Beach Apartment Rentals