Pamahiin.com

Humanap ng Pamahiin

Pamahiin Sa Burol

Masama ang magwalis nang bahay habang hindi pa naililibing ang patay.

Kapag nagliligpit ng mga plato bawal itong pagpatung-patungin dahil baka magkakasunod-sunod ang mamamatay.

Bawal maligo at mag suklay ang pamilya ng namatay sa burol. Pwede din naman na makaligo sa ibang bahay ang mga myembro ng pamilya basta huwag lang kanilang mismong bahay.

Dapat merong sariling upuan ang iniwang asawa ng namatay at bawal ito upuan ng iba, ang paniniwala ng matatanda kapag umupo ang isang taong may asawa sa upuan ng balo hindi magtatagal mamamatay din ang asawa niya.

Huwag mag-uwi ng pagkain galing sa hinanda sa namatayn dahil maiuuwi daw ang malas galing sa patay.

Kung buntis bawal dumungaw sa patay dahil mahihirapan daw itong manganak at pwedeng mamatay din ang bata habang nasa sinapupunan.

Iwasang matuluan ng luha ang salamin ng kabaong ng namatay, mahihirapan daw umakyat sa pangalawang buhay ang espirito ng patay.

Bawal matulog ang lahat sa pinaglalamayan. Dapat laging merong gising na nakabantay dahil baka kukunin ng aswang ang patay kung walang may nagbabantay.

Ang barya na abuloy para patay ay bawal ibuhos mula sa lalagyan at bawal din mag-ingay sa pinaglagyan.

Sa unang abuloy ng patay kailangan ipaypay sa pinto ang pera ng tatlong beses para marami pa ang tutulong o magbigay ng abuloy

Takipan ng tela ang salamin ng bahay na namatay habang dito nakaburol para hindi magpakita ang namatay.      

Bawal magpasalamat ang pamilya na namatayan sa mga bisita o sa mga nagbibigay ng abuloy.

Comments and Feedback

Make A Comment

or

#29: Guest #281 (JR) - at 13:04 on 28 Feb 2017


Sabi nila bawal magwalis :)... PWES, nag-vacuum at nag-mop na lang ako ng sahig mwahahaha

#28: Guest #258 (Tonet) - at 06:48 on 16 Jan 2017


Totoo po ito

#27: Guest #242 (kimchi mendoza) - at 10:46 on 06 Dec 2016


sabi po nila
bawal din daw po yung marluto ng malunggay kasidaw po parang pinag hihiwalay hiwalay nyo daw po yung katawan ng patay

#26: Guest #241 (Mhy) - at 03:34 on 05 Dec 2016


Ono nmn po kng Ang abuloy ay ayaw Ng tanggapin galing s opisina? Pwede po bng ibgay nlng itong bayad s utang pra hnd na Nya mtnggap?

#25: Guest #239 (Komento) - at 13:43 on 15 Nov 2016


Ang pagsuot ng puting damit sa libing ay sa intsik lang yun, lahat na ata ng P
amahiin ng intsik ginagaya ng mga Pilipino. Pati ang pagsipol, bawal daw sa ghost month, asus! Kung malakas ang paniniwala mo sa Diyos, di mo kailangan ang pamahiin. Kung gusto ninyo ang paniniwala ng mga intsik, eh di magpalit kayo ng relihiyon (Buddhist). Ang iba sasabihin na walang mawawala kung di ninyo susubukan, ang sagot ko meron, dahil mahina ang paniniwala ninyo sa Diyos. Tama yung komento nung isa, wala naman yan sa bibliya. Sa mga mga namatayan at naniniwala sa pamahiin, eh bahala na kayo sa buhay ninyo.

5 older comments


Here are more sites by the same creators:

©Copyright. All Rights Reserved. This is a Free World Creations.com creation. Other Free World Creations:

Chinese Whispers     Bantayan-Island-Philippines Community and Tourist Attractions Guide     Homing Books     Guimaras Island Philippines: Community Forum and Tourist Attractions Guide     Shirven Hotel Guimaras Philippines     Toplis: Artist of Sark     Keith Warren Books     Filipino Cook Book - Recipes     Free Yahtzee Score Sheets     Yahtzee Rules for painted, Triple and Alternatives     White Alien     Sungka Games     Manila Statues     Churches in the Philippines     ArPhilModels     Himalayan Treks     Pamahiin ng Pilipino     Filipino Superstitions     Gagayuma.com Filipino Love Spells and Magick     Mangkukulam.com Filipino Folklore and Mythology     Dog Clothes Shop, Manila     Boracay Beach Apartment Rentals